Monday, August 30, 2010

Ang Alamat ng Sushi Bob











Paano nga ba nagsimula ang Sushi Bob?

Sino ba si Sushi Bob? Siya ba ay taong gawa sa Sushi? Siya ba ang gumagawa ng Sushi?

Hapon ba si Sushi Bob? O may lahi ba siyang Hapon? O sa Japan siya nakatira at dinadala lang dito sa Pinas ang Sushi niya?

Kung sakaling hindi Hapon si Sushi Bob o hindi Hapon ang gumagawa ng Sushi Bob, eh paano siya nakakagawa ng Sushi? Bakit marunong siya gumawa ng Sushi? At bakit Sushi pa ang nahiligan niyang gawin na pagkain?

Basahin natin ang Alamat ng Sushi Bob upang ating masagot ang lahat ng mga katanungang ito...


...2009, yan ang taon kung kailan nahiligan ko kumain ng Japanese food. Yun ay nung New Year's Eve, Nagcelebrate kami ng gabi na iyon sa Sea Side Restaurants sa Maynila, hindi ko na maalala ang eksaktong pangalan ng area na iyon na kung saan ay may mga restaurants na puro fresh sea foods ang specialty. At siyempre, sea food ang kinain namin dun. Una, ay buttered alimango ang kinain namin at baked cheesy tahong.
Butter Crab


Pagkatapos nun, lumipat kami sa isa pang lugar dun sa area na iyo upang uminom naman ng konting beer, ang inorder na pulutan ng daddy ko ay "SASHIMI". Umusok ang ilong ko kasi maanghang pala yung wasabi na sinawsawan ko nun, pero matapos namin maubos yun eh nagustuhan ko na yung sashimi.


Lagi na akong naghahanap ng Sashimi sa mga Japanese restos, kaso, hindi pala madalas magbenta ng Sashimi sa mga hindi Authentice Japanese Restaurants. Siguro ito ay dahil kailangan laging fresh ang mga isda na ibebenta bilang Sashimi. Kaya nahirapan na ako makakain ng Sashimi. So, bilang pamalit sa Sashimi ay Sushi ang aking kinain, masarap din ang Sushi, kaso mahal din ang presyo tulad ng Sashimi. Nauubos ang pera ko kabibili ng Sushi kapag nasa Mall ako. Kahit na umorder na ako ng pagkain sa Jollibee ay meron pa rin akong nakareserba na Sushi na pangfinale sa kainan.


Dahil sa kadahilanang mataas ang presyo ng Sushi ay inumpisahan kong aralin ang paggawa ng Sushi, sa internet ko ito ginawa. Nagbasa ako ng iba't ibang tutorials tungkol sa paggawa ng Sushi, at mga recipe upang makagawa ng masarap ng Japanese Rice na gagamitin sa Sushi, ang mga "fillings" na nilalagay na palaman sa Sushi, at ang iba't ibang mga klase ng Sushi at pati ang mga tawag dito. Nanood din ako ng mga video sa Youtube kung paano ang istilo sa pagbibilot ng Sushi Rolls, kung paano ihugis ang Nigiri sa Kamay, at kung paano iluto at hiwain ang Tamago. Inaral ko ng inaral ang paggawa ng Sushi sa internet. Matapos yun ay nagsimula naman ako maghanap ng mga sangkap na panggawa ng Sushi. Mahal din pala ang mga sangkap at mahirap hanapin. Lalo na yung Japanese Rice at Nori Wrap. Pero siyempre, nakahanap ako at nabili ko kahit mahal.



Matapos ko makumpleto ang mga sangkap para sa sushi ay inumpisahan ko na gumawa. Sa unang beses ko na ginawa, Masarap siya agad. Kaso medyo hindi pa maganda yung korte kasi wala akong Bamboo mat na ginagamit pangrolyo sa mga Maki or Rolls. At hindi rin gaanong masarap yung kanin na ginamit ko kasi hindi ko pa perfect yung timpla at pagkakaluto. Pero matapos ang ilang ulit na paggawa ng Sushi sa bahay namin ay naperfect ko din ang paggawa nito.


Isang araw, naisip ko na mahilig din naman ang ibang tao sa Sushi kaso eh mahal ito at kadalasan ay sa Japanese Restaurants lang naman nakakabili,  kaya naisipan kong gumawa ng Sushi at ibenta ito sa mga tao. Nag-eenjoy na ako sa paggawa ng Sushi, nakakakain pa ako, kumikita pa ako. Sa unang beses ko gumawa ay nag-alok ako sa mga kaibigan ng Mommy ko sa bayan ng Angat. Naubos naman lahat ng aming dalang Sushi kaya maswerte kami. Ginamit ko ulit ang perang kinita nung araw na yun upang gumawa ulit ng Sushi at ibinenta ko naman sa mga kaibigan ko sa opis na pinapasukan ko dati. Linggo linggo ay nagdadala ako ng Sushi sa opis namin at laging nauubos ang binebenta ko. Ako lang naman ang empleyado dun na nagbebenta ng Sushi. Nung panahon na iyo ay wala pang pangalan ang aking Sushi, at naisip ko na isunod na lang sa pangalan ko sa opis ang pangalan ng Sushi ko. Bob ang tawag nila sa akin sa opis. Bob's Sushi? pwede... Kaso, masyado naman common ang ganun klase ng pangalan. Kaya para maiba ay binaligtad ko, ginawa kong Sushi Bob. At dun nagsimula sumikat ang pangalang Sushi Bob, ang Sushi ni Bob.




Sa ngayon, hindi na ako nagtatrabaho sa opis na pinagbebentahan ko ng Sushi dati, nandito na ako ngayon sa Bulacan, kaya ang mga kostumer ko na ngayon ay mga taga-Bulacan. Nag-uumpisa na rin sumikat dito sa aming bayan ang Sushi Bob, ako lang naman ang nag-iisang nagbebenta ng Sushi dito eh. Kaya basta maisipan ng mga tao dito na kumain ng Sushi, o magsama ng Sushi para sa kanilang mga handa sa kahit anumang okasyon, Sushi Bob na agad ang papasok sa isip nila. The Only One Sushi in Angat. Soon to be number 1 in Bulacan. :)

No comments:

Post a Comment